

Dami man ng nangyari
di pa rin mapakali
Alam kong napapagod ka
naliligaw ka man minsan
Ngunit kung dumating ang araw na maligaw ka man
Tatawagin pa rin kita
pauwi sa'king piling
Magbago man ang ikot
ng mundo
Kumupas man ang kulay
ng pangako
Walang magbabago
Maubos man ang panalangin Aking sisiguraduhin
Ikaw at ako pa rin Hanggang sa huli
Ako pa rin ay iyo Mananatiling sayo
Ipaglalaban ko ang tayo Hanggang sa dulo ng mundo
Hindi man natin hawak
ang bukas
Alam kong may pagsubok pang
daranasin
Ngunit sa bawat
umagang
magigising Pipiliin pa rin
kitang mahalin
'Di kita iiwan 'di pababayaan Kahit mahirap hindi bibitawan
Kahit maligaw ka man
ilaw mo'y mananatili
Ako ang babalik sa'yo
Ikaw ay babalik sa'kin
Maubos man ang panalangin Aking sisiguraduhin Ikaw at ako pa rin Hanggang
sa huli Ako pa rin ay iyo Mananatiling sayo
Ipaglalaban ko ang tayo Hanggang sa dulo ng mundo
At kung dito na ang dulo ng lahat
Kung ang dahilan ay 'di na sapat
Uubusin ang natitirang lakas isisigaw sa itaas
dalanging ikaw at ako pa rin sa susunod na landas
tayo ang magiging wakas
pagmamahal ay magiging wagas.