

(shhh) Pakinggan... May panahong payapa.
Luntian ang kagubatan.
Malinis ang mga ilog.
At sa bawat binhi...
may buhay.
may pag-asa.
Ngunit
habang ang kalikasan ay patuloy na nagbibigay...
umi-unti natin itong kinalimutan.
Nakalimutang pangalagaan. Nakalimutang mahalin.
Isa-isang bumagsak ang mga puno.
At kasabay nito... nawala ang balanse ng kalikasan.
At nang
mawalan ng ugat
ang lupa... dumating
ang kapalit. Dumilim ang
kalangitan. Humagupit ang hangin.
At sa isang iglap...
rumagasa
ang baha. Tinangay ang tahanan.
Tinangay ang pangarap.
Pagkatapos ng unos... katahimikan.
At sa katahimikang iyon...
dumating ang katotohanan.
Hindi kalikasan ang kalaban.
Kundi ang ating kapabayaan.
Kaya tayo'y tumindig.
Nagkaisa.
Nagtulungan. Nagtanim.
Bawat
binhing inalagaan... ay pag-asang binuhay.
Muling umawit ang mga ibon.
Muling huminga
ang kagubatan.
Mula sa pag-unawa... sumibol ang pagkilos.
Mula sa pagkilos... sumibol ang pagbabago.
Mula sa pag-unlad
at pagbabago... sumibol ang pag-asa.
BINHI NG PAGBANGON!