

(shhhhh) "Pakinggan..."
"Sa bawat binhi, may pangarap.
Sa bawat unos, may pag-asâ.
At sa bawat pag-asâng pinanghahawakan...
may lakas
na muling bumangon."
"Noon... May buhay sa bawat puno.
May pag-asâ sa bawat pagsibol."
"Ngunit nang manaig ang kapabayaan...
unti-unting nasugatan ang kalikasan."
"At ang mga punong minsang nagbigay-buhay...
ay isa-isang bumagsak."
"Dumilim ang kalangitan.
Humagupit ang
hangin.
At
dumating ang unos."
"Sa isang iglap... tinangay ng baha ang mga pangarap."
"Pagkatapos ng bagyo... katahimikan."
"At doon natin naunawaan...
Ang kalikasan
ay hindi kalaban.
Ito ay tahanan.
Ito ay buhay."
"Nagkaisa.
Nagtanim.
At muling nangarap."
"Muling huminga ang kagubatan.
Muling sumibol ang pag-asâ."
"Sapagkat sa bawat binhi...
may pag-asâ. Sa bawat pag-asâ...
may pagbangon!"
"BINHI
NG PAGBANGON."