

"Pakinggan...
Sa bawat binhi,
may pangarap.
Sa bawat unos, may pag-asa.
BINHI NG PAGBANGON."
"May buhay
sa bawat dahon.
Ang kalikasan
ang ating tahanan."
"Unti-unti nating
nakalimutang mahalin ang kalikasan."
"Isa-isang bumagsak ang mga puno."
"Dumating ang babala."
"Dumating ang unos.
At sa isang iglap...
nagbago ang lahat."
"Naiwan
ang sakit.
Naiwan ang pagsisisi."
"Hindi kalikasan ang kalaban.
Kundi ang ating kapabayaan."
"Nagkaisa. Nagtanim. At muling nangarap."
"Muling
sumibol ang pag-asa." (ooh-aaah-pagbangon)
"Sa bawat binhi, may pag-asa.
Sa bawat
pag-asa, may pagbangon. BINHI NG PAGBANGON."