

Isang text lang, naglaho ang lahat
Wala na ang mga asul na bula,
sa wakas ay blangko
na ang screen.
Wala nang "Active Now" na bantayan sa
gabi
Hindi mo na kailangang tignan kung gising ka pa,
o kung sino ang kausap mo.
Tahimik na ang, pati ang isip ko
I'm teaching my fingers not to search for your name.
Ibang klase ng katahimikan—yung tipo na pinili ko.
Bura na,
ngunit bakit may naiwan?
Hindi na ito ang pananabik,
kundi isang anino
ng isang nakasanayan. (hummmm)
Binura ko na ang thread,
ngunit hindi ko matanggal ang
"ingat ka." Hindi na kita hinahanap,
pero sana ay maayos ka lang.
Ang pag-ibig ay kumukupas,
nagiging isang panalangin na hindi ko sinasadyang bigkasin.
Bura na sa chat,
pero sa pag- aalala,
may puwang pa rin. (ahhhh)
Bura na... Binibitawan ko na ang "tayo,"
pero ang "ikaw" ay nananatili
pa rin sa hangin.
Hindi na kita mahal tulad ng dati.
pero...
pero...
Ingat ka pa rin.
Ingat ka na lang. (ahhhh)